Hindi ako excited sa pasko.
Puta! Tumatanda na ba ako? Seryoso as in hindi ako na-e-excite sa gift giving, sa family reunions and etc. Wala naman ako steady work so walang bonus na aasahan. Wala rin akong Christmas raket. Wala. Walang magawa.
Kanina pumunta ako sa Padre Faura at binisita ang isa sa mga close friends ko. Si Fharniza. Money Changer. Hahahaha. Bakit ang baba ng palitan ng piso sa dollar? $1 = PHP47.10, kumusta naman 'di ba? Nananadya ang Bangko Sentral. Itaon ba sa Christmas season ang pagmanipula ng exchange rate? Buset!
Pagkatapos namin nagtuos ni Fharniza, kailangan dumaan sa Mercury Drug para mamimili ng weekly medicine ng lola ko. Can I just share na ang branch ng Mercury sa Faura ang pinakapaborito ko? Try niyo dumaan. Kagagandang lalaki ng mga pharmacist! Pharmacist ba ang tawag sa kanila? Oh well. Gusto ko makipag-flirt. Pero papaano naman ako makikipaglandian kung ang binili ko e sangrekwang Norvasc at Lipitor. Gamot sa high blood at pampababa ng cholesterol. Wa-poise ang gamot. Minus.
Since nasa Malate area na ako, dumaan na rin ako sa Rob Place para bumili ng corkscrew. May mga wine sa bahay wala naman pantanggal ng cork. So nakapila ako sa supermarket at kumustahin naman natin ang dami ng tao 'di ba? Hindi ko alam kung pila ng lotto iyon o autograph signing ni Sharon Cuneta. Punyeta. At ang mga lola sa harap ko, may antay factor pa. Alam mo 'yung na-punch na lahat ng bibilihin tapos may padagdag pa? So 'yung kasama super run para kumuha ng isang bote ng ketchup habang naghihintay ako, ang kahera, at ang bagger. Leche. Nginitian ako ni lola. Apologetic smile. Napangiti na rin ako, per sa totoo lang gusto ko siya bambuhin ng hamon sa ulo.
Nanawagan ako. Sa lahat ng mago-grocery: PWEDE GUMAWA NG LIST? Nakakainis kasi 'yung mga last minute padagdag e. Hindi porke halagang isang libo ang pinamili natin e pwede natin angkinin ang cashier. 'Wag ganon.
I remember 'nung bata ako, ganitong ganito nanay ko. Pipili kami, tapos may makakalimutan siya. So tatakbo siya para kumuha ng kung anuman nakalimutan niya - mayo, kape, sabon - samantalang ako naghihintay sa kahera. I swear may mga pagkakataon na feeling ko naiirita na ang kahera sa akin. Tinitingnan niya ako ng may panghuhusga. Tapos magdadasal ako na "Lord, sana bagalan ng kahera ang pag punch ng items".
I swear minsan, naisip ko na what if pag-tripan ako ng nanay ko? What if iniwan niya talaga ako? Tapos aawayin ako ng kahera. Tapos tatawagin niya ang manager. At tapos para mabayaran lahat ng na-punch na e kailangan ko magtrabaho sa supermarket at hihiyain nila ako katulad ng mga nakapaskil na picture na may nakasulat na "HUWAG TULARAN".
Taray naman ng Twilight Zone moment ko.
"I Saw the TV Glow" leads the 16th annual Dorian Award nominations
-
by Nathaniel R
I SAW THE TV GLOW © A24
Oopsie. While celebrating Paul Newman's centennial we forgot to mention
another round of nominations. This time i...
0 comments:
Post a Comment